BAYAN NG ALLACAPAN, CAGAYAN MAY PINAKAMATAAS NA KASO NG TEENAGE PREGNANCY

37
Nanguna ang bayan ng Allacapan na may pinakamataas na kaso ng teenage pregnancy sa lalawigan ng Cagayan sa taong 2021 ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM Region 2).

Umakyat sa unang pwesto ang bayan na Allacapan mula sa pangalawang pwesto at nahigitan ang bayan ng Penablanca na noon ay una sa listahan.

Pumangalawa naman sa may mataas ring teenage pregnancy rate ang bayan Calayan sinundan ito bayan ng Gonzaga, pang-apat ang bayan ng Rizal, at pang-lima ang bayan ng Sta. Ana.

Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, hindi pa umano nakapagpasa ang mga bayan ng Abulug, Camalanuigan, Lasam at Lal-lo ng kanilang datos kung kaya’t maari pang mabago ang listahan.

Samantala, nangunguna parin ang lalawigan ng Isabela sa may pinakamataas na bilang ng teen pregnancy sa Rehiyon Dos.

Sumunod dito ang Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino, at Batanes.

Facebook Comments