Kalibo, Aklan – All set na ang LGU-Kalibo sa darating na Opening Salvo ng Kalibo Ati-atihan Festival 2023 sa Oktubre 8, 2022.
Sa panayam ng RMN DYKR Kalibo kay Kagawad Marky Sy, magkakaroon muna ng ‘Bisperas de Salvo’ kung saan gaganapin ito sa ika-7 ng Oktubre.
Mayroon ding mga aktibidad sa naturang araw. Sa umaga ay magkakaroon ng car and motor show sa Kalibo Pastrana Park covered Court at alas 7:00 naman ng gabi ay mayroong national dance contest.
May DJ rin para sa dance binayle, at may food festival rin sa naturang gabi.
Ang mga aktibidad naman sa araw mismo ng Opening Salvo sa October 8 ay Salvo de Zumba (alas 6 ng umaga), at may misa sa Kalibo Cathedral para sa pasasalamat kay Senior Santo Niño (alas 4 ng hapon).
Samantala, sa naturang araw rin ay ang ika-100 days ng paninilbihan ni Mayor Juris Sucro sa Munisipalidad ng Kalibo.
Magkakaroon ito ng event sa Kalibo Pastrana Park bandang alas 7 ng gabi, at pormal na bubuksan ang Kalibo Ati-atihan Festival 2023.
May concert pagdating ng alas 8:00 ng gabi, kung saan magpe-perform ang mga artist na sina Kean Cipriano ng Callalily, Xian Oquendo, at Bianca Umali.
Mayroon ding tatlong national big artists na dadalo at iba pang mga artista.
Pagdating naman ng alas 12:00 ng madaling araw ay magkakaroon ng Foam Party.
Meron ding inihandang sopresa si Mayor Sucro para sa mga Kalibonhon sa dapat abangan sa Opening Salvo.
Sinabi rin ni Kagawad Sy na si 1st District Congressman Ted Haresco ay sinisikap na maimbitahan si Vice President Sara Duterte para sa nasabing aktibidad.

Facebook Comments