Kalibo, Aklan— Bilang paghahanda ngayong tag-ulan, lilinisan at tatanggalin na ang mga nakabara sa ilang drainage system sa bayan ng Kalibo.
Isang resolution ang ipinasa ng Sangguniang Bayan kahapon na humihingi ng assistance mula sa tanggapan ni Engr. Noel Fuentibella ng Department of Public Works and Highways at kay Mayor Emerson Lachica sa pamamagitan ni Engr. Amalia Francisco para magsagawa ng clearing at de-clogging sa mga drainage.
Kailangan na umanong linisin ang mga nakabara sa drainage system sa bahagi ng Roxas Ave., Mabini St., D. Maagma St., Jaime Cardinal Sin Ave., Toting Reyes St. at Osmenia Ave.
Ayon kay SB Member Buenjoy French proponet ng resolution na saklaw rin ng resolution ang mga nangungunang kalye sa bayan kung saan sa tuwing sasapit ang tag ulan ay nagsisilbing catch basin ang bayan dahil sa tubig ulan.
Dagdag pa nito na kung malinis ang drainage at tuloy tuloy ang agos ng tubig ay maiiwasan ang pagdami ng dengue cases.
Nangunguna rin umano ang bayan pagdating sa rami ng dengue cases sa buong lalawigan.
Binigyang diin rin ni Vice Mayor Cynthia Dela Cruz na hindi lamang dengue fever ang dapat iwasan ngayong tag ulan kundi pati narin ang ibang mga sakit kagaya ng Thypoid fever at acute gastroenteritis.
Ayon naman kay SB. Member Agusto Tolentino na kailangan ng simulan ang pagtanggal sa mga bara sa drainage dahil nag-uumpisa na ang tag-ulan.
LGU Kalibo magpapatulong sa DPWH sa declogging ng mga drainage ngayong tag-ulan
Facebook Comments