LGUs, hinikayat na mas paigtingin pa ang pagsasagawa ng contact tracing

Hinikayat ni Contact tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga Local Government Units (LGUs) na mas paigtingin na pa ang pagsasagawa ng contact tracing sa kanilang siyudad at munisipalidad.

Kasunod ito ng pagsirit sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Magalong, sa kasalukuyan ay naglalaro ang contact tracing ratio sa 1 is to 6 hanggang 1 is to 7.


Inamin din ni Magalong sa nakadepende sila sa contact tracing effort ng mga LGUs.

Samantala, nanawagan si National Task Force Against COVID-19 (NTF) consultant Dr. Ted Herbosa sa publiko na magsuot pa rin ng face mask kahit nasa loob ng bahay.

Aniya, makakatulong ito upang hindi na magkahawaan pa ang bawat miyembro ng pamilya lalo na ang matatanda at bulnerable sa nasabing sakit.

Facebook Comments