Libreng dialysis, hatid ng San Juan sa mga indigent patients ng lungsod

41

Magkakaloob ng libreng dialysis ang pamahalaang lokal ng San Juan.

Ang serbisyong “free dialysis” ay bukas para sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong ng local government.


Partikular na target ng proyekto ang mga indigent patients na residente ng San Juan nang sa gayon ay tuloy-tuloy pa rin ang gamutan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Bahagi ang programang pangkalusugan sa prayoridad ng San Juan upang maibigay pa rin ang mga kinakailangang medical services sa mga residente.

Maaari namang tumawag sa tanggapan ng alkalde para makapagpatala at ma-i-schedule sa libreng dialysis.

Facebook Comments