
Nauunawaan ni Senator Erwin Tulfo si Pangulong Bongbong Marcos kung bakit sa LPG at kerosene pa lang ang pinatawan ng suspensyon sa excise tax.
Ayon kay Tulfo, kung tutuusin ay hindi sapat na pansamantalang sinuspindi ang buwis sa LPG at kerosene.
Sa kanya ring pagkakaalam, ang inaprubahan ng Senado na suspensyon sa excise tax ay para sa lahat ng petroleum products.
Gayunman, sinabi ni Tulfo na nalaman niya na kung sabay-sabay ang pagpapatupad ng pag-alis o pagsuspindi sa excise tax ay maaapektuhan nito ang revenue collection at mga programa ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Sen. Erwin, timbangin muna ang magiging epekto ng suspensyon sa buwis sa LPG at kerosene lalo’t magpapatupad naman ng rollback sa langis.
Facebook Comments










