Naglaan ang pamahalaang lokal ng Bayambang ng libreng paradahan para sa mga motorsiklo upang makatulong sa mga motorista at mapanatili ang kaayusan sa bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, walang bayad ang paggamit sa naturang paradahan kaya’t malaya itong magagamit ng mga may-ari ng motorsiklo.
Matatagpuan ito sa tabi ng Tricycle Terminal upang mas madali itong mapuntahan at magamit ng mga motorista.
May nakatakda ring hiwalay na paradahan para sa mga tricycle kaya’t ang nasabing lugar ay eksklusibong para sa mga motorsiklo.
Pinaalalahanan naman ng pamahalaang lokal ang mga motorista na panatilihin ang disiplina at sumunod sa tamang patakaran sa pagparada.
Facebook Comments









