LIBRENG PSYCHIATRY OPD CONSULTATION, ISASAGAWA NG RHU CORDON

Cauayan City, Isabela – Magsasagawa ang Rural Health Unit (RHU) Cordon ng libreng Psychiatry OPD Consultation tuwing ikatlong Lunes ng unang buwan sa bawat quarter ng 2025.

Batay sa opisyal na anunsyo ng RHU Cordon, ang mga itinakdang petsa ng konsultasyon ay sa April 21,July 21, at October 20, 2025.

Ang konsultasyon ay gaganapin sa Mental Health Room, 2nd Floor, Cordon RHU Building.

Hinihikayat ang mga indibidwal na nangangailangan ng psychiatric consultation na personal na magtungo sa nasabing lokasyon sa mga itinakdang petsa upang makatanggap ng serbisyong medikal.

Binigyang-diin ng RHU Cordon na ang serbisyong ito ay available para sa lahat at mahalagang bigyang pansin ang pangangalaga sa mental well-being.

Facebook Comments