
CAUAYAN CITY – Malaking tulong para sa mga magsasaka at residente ng Brgy. Casibarag Norte, Cabagan, Isabela ang bagong tayong farm-to-market road, na naglalayong mapadali ang transportasyon ng mga produkto at serbisyo sa lugar.
Natapos ang proyekto noong December 8, 2024, sa pangunguna ng Department of Public Works and Highways – Isabela 2nd District Engineering Office (DPWH-ISDEO).
May kabuuang pondo itong P14.9 milyon at sumasaklaw sa 3.186 kilometro.
Dahil sa proyektong ito, mas mabilis na ngayon ang pagbibiyahe ng mga aning produkto ng mga magsasaka, na nagreresulta sa mas epektibong distribusyon ng ani sa merkado.
Bukod dito, napadali rin ang pag-access ng mga residente sa mahahalagang serbisyong pampamahalaan.
Facebook Comments