Libreng Sakay Program sa Region 2, Nabenipisyuhan ang higit 3-M Commuters

16
Cauayan City, Isabela- Umabot na sa mahigit tatlong milyon ang kabuuang bilang ng mga commuters sa Region 2 na naserbisyuhan ng Service Contracting Program Phase 3 ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Batay sa datos ng LTFRB Region 2, naitala kahapon, ika-22 ng Hunyo 2022 ang karagdagang bilang na 11,187 na mga mananakay sa rehiyon ang naserbisyuhan ng Service Contracting Program.

Simula ika-20 ng Abril 2022 hanggang ika-22 ng Hunyo 2022, umabot na sa 3,441,369 ang kabuuang bilang ng mga naserbisyuhan ng nasabing programa.

Ang Service Contracting Program ay ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), alinsunod sa marching order ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang tugunan ang pangangailangan ng mga commuter, operator, at driver.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang LTFRB Region 2 official Facebook page o makipag-ugnayan sa LTFRB Region 2 Project Implementation Unit (PIU) sa numerong 0916-175-1096.

Facebook Comments