SAN JOSE CITY, CALIFORNIA – Ipinag-utos ang paglilikas sa libu-libong residente sa San Jose City, Northern California dahil sa malawakang pagbaha.
Nabatid na nagsimulang lumala ang pagbaha nang magpakawala ng tubig ng coyote creek dahil sa ilang araw na pagbuhos ng malakas na ulan.
Hindi bababa sa labing apat na libong (14,000) katao ang apektado ng malawakang pagbaha at mahigit dalawang daan (200) naman ang kinailangang ilikas gamit ang inflatable boats.
Dahil din dito, pansamantalang isinara sa trapiko ang isang major highway sa San Jose.
Agad na ipinatupad ang evacuation order matapos umabot sa 13.6 feet ang lebel ng tubig sa coyote creek.
Ayon kay National Weather Service Meteorologist Roger Gass, ito ang kauna-unahang pagkakataon na umabot sa ganoong kataas ang lebel ng tubig sa coyote creek at itinuturing nila itong record level.