MANILA – Tiniyak ng Malakanyang na sapat ang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP) para tulungan ang Commission on Election (Comelec) sa maayos at malinis na eleksyon.Sinabi rin ng palasyo na patuloy ang pagbabantay at pakikipag-ugnayan nila sa Department of Energy para masiguro ang suplay ng kuryente sa buong bansa.Samantala, nanawagan si Presidential Communication Secretary Sonny Coloma sa mga botante na pairalin ang diwa ng bayanihan para pagtulungan na maging maayos, malinis at matagumpay ang May 9 elections.Bukod dito, siniguro rin ng Department of Education (DEPED), na handa ang mga paaralan na gagamiting bilang polling precinct, gayundin ang kahandaan ng mga guro na magsisilbing board of election inspectors.Ala-una kahapon ay binuksan ng DEPED ang kanilang Election Task Force (ETF) operation center sa Pasig City na tutulong sa mga BEIs.Sa pakikipagtulungan ng Public Attorney’s Office (PAO), magbibigay ang mga ito ng libreng legal assistance sa mga public school teachers na mairereklamo o maiimbestigahan dahil sa kanilang performance bilang BEIs sa eleksyon.Ang DEPED hotlines ay (02) 633-7205, 633-5429, 637-3743, 638-8636, 638-7530, 638-7531, 634-0222, 631-6033, 706-5332 and 635-9817; TF (02) 635-0551 at 633-1940.
Ligtas At Malinis Na Eleksyon, Tiniyak Ng Malakanyang
Facebook Comments