LIGTAS NA | 5 crew kabilang ang kapitan ng motor banca nasagip ng PCG sa karagatan ng Dumaguete

Dumaguete – Muntik na malagay sa panganib ang limang crew kabilang ang boat captain ng MB Golden Moon IV ng masiraan at nagpalutang-lutang sa karagatan ng Siquijor sa pagitan ng karagatan ng Dumaguete .

Ayon sa report na natanggap ng action center ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa boat captain ng motor banca na si Gilbert Bayolita galing sila ng General Santos City patungong Tubigon Bohol ngunit nagloko ang kanilang makina at tuluyan na itong nasira.

Masama ang panahon kaya at naglalakihan ang alon sa karagatan kaya at hindi nag aksaya ang PCG Southern Visayas kaya at agad nagsagawa ng RESCUE OPERATION kung saan hinatak na lamang ang nasirang motor banca at dinala sa Dumaguete Port.


Facebook Comments