Lima sugatan sa banggan ng motorsiklo at trisikad

Sugatan ang lima katao makaraang masangkot sa vehicular accident ang isang single motorcycle na may tatlong sakay at isang trisikad kahapong pasado alas kuwatro ng hapon sa San Isidro street sa paibaba ng casa blanca malapit sa barangay hall ng RH-10. Nagtamo ng sugat at pasa sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang pasahero ng trisikad na nakilalang si Joje Uy 60 anyos na resident eng Penafrancia Village, habang sugat naman sa ulo ang tinamo ng driver ng sikad. Nagtamo din ng mga pasa at sugat ang driver ng Kymco motorcycle nasi Suharto at dalawang angkas nito na sina Zainal at Manuel na kapwa mga menor de edad na walang mga lisensya.. Ayon sa inbestigasyon ng TMU, mabilis umano ang pagpapatakbo ng motorsiklo habang itoy pababa sa naturang lugar nang bigla umanong nagliko pakaliwa ang trisikad at doon na nagkabanggaan sila. Tumilapn ang tatlong sakay ng motorsiklo habang bumaliktad naman ang sakay ng sikad.Nasa TMU na ang inbestigasyon sa insedente.

Facebook Comments