Armado ng flyers at stickers, masiglang sinugod ng Radyo Trabaho team ang mga barangay 276, 285, 294, 314 at 336 sa lungsod ng maynila kahit na masama ang panahon.
Sa limang barangay, bukod tangi ang barangay 294 na nasa ilalim ng pamumuno ni barangay Chairwoman Marissa E. Sabado at ang barangay 285 na nasa ilalim ng pamumuno ni Chairman Richmond Lui.
Maliban sa hindi mabuksan ang tanggapan ng barangay 294 dahil naipit ng ginagawang gusali sa mismong tabi nito, walang gaanong residente ang barangay. Napapaligiran kasi ito ng mga naglalakihang mga gusaling pang-komersiyo kung kaya halos lahat ng mga taga-rito ay may hanapbuhay na maituturing na kapareho ng barangay 285 na may limang libong populasyon kabilang ang mga walang trabaho.
Optimistiko naman ang mga barangay 276 ng Binondo area at 336 ng Sta. Cruz area.
Sina barangay kagawad Mark de Leon ng barangy 276 at konsehala Leonor Punzalan kasama si konsehala Lourdes Magadia ay nakatingin sa positibong hangad ng bawat grupo.
Malalayo kasi ani kagawad de Leon sa masasamang bisyo at barkada ang mga kabataan sa kanilang lugar.
Samantala, walang nakausap na opisyal ng barangay 314 ang Radyo Trabaho team ngunit nagsagawa pa rin ang mga ito ng pamamahagi ng kaalaman tungkol sa Radyo Trabaho at tulong na hatid nito.