Limang Business na Magpapayaman Sa’yo

  1. Insurance

Ang insurance ay ang kasiguraduhan na mayroong maiiwan sa iyong mga mahal sa buhay sa oras ng sakuna at biglaang pangangailangan.

Magandang investment ang insurance dahil dito makakasigurado na ang beneficiary na naiwan ng pumanaw na insured ay may makukuhang life insurance benefit. Magagamit ang life insurance benefit sa mga pagkakataon katulad na lamang ng panggastos sa araw-araw, pambayad ng naiwang utang (kung mayroon man), pampaaral sa mga anak, at pambayad sa bahay.


  1. Real Estate

Ang investment na ito ay tumutukoy sa pag-aari katulad na lamang ng lupa at bahay, apartment, townhouse at ang usong-uso sa ngayon na condominium. Ang ganitong uri ng properties ay nagsisilbing tahanan, bahay bakasyunan o parentahan. Napaka gandang uri ng investment na ito dahil ang mga ito ay maaaring ibenta pagdating ng panahon sa mas mataas na halaga.

  1. Small Business

Isang sikat at pangunahin option din ang pagtatayo ng small business upang mas mapalago ang munting puhunan na iyong nasa bulsa. Sa pamamagitan lamang ng 5,000 Php ay makakapag tayo ka na ng munting sari-sari store katulad na lamang ng isang mami-han o goto-han. Maituturing din itong isang magandang investment dahil kung maganda ang iyong pamamalakad, mas lalaki ang iyong kita at magkakaroon ka pa ng regular income!

  1. Bonds

Ang bonds ay isang uri ng ng safe investment. Ito ay ang uri ng investment na hindi ganoon kalaki ang risk. Ang bonds ay isa sa mga pamamaraan ng gobyerno at kumpanya upang makakalap ng pondo para sa kanilang mga proyekto at gastusin. Sa madaling salita, ito ay ang pagpapautang ng isang indibidwal (investors) sa gobyerno o sa isang kumpanya kalakip ang kasunduan na ibabalik ito ng buong sa mga investors kasama ang interes na kanilang napagkasunduan.

  1. Retirement Fund

Ang retirement fund ay ang tinatawag nating pension dito sa Pilipinas. Ito ay ang garantiya sa isang indibidwal na sila ay may matatanggap na pera na tila sila ay sumwesweldo sa kanilang pagtanda. Ito ay isang uri ng investment na ginagawa ng isang indibidwal sa panahon ng kanilang pagtatrabaho. Ito ay isang halimbawa ng pagiipon para sa kinabukasan at karaniwang ibinabawas sa sweldo ng isang indibidwal. Kaakibat sa proyektong ito ang mga institution ng gobyerno na SSS at GSIS.

Article written by Jennelie Francisco

Facebook Comments