Kalibo, Aklan— Malaking kawalan sa industriya ng pagtuturo ngayong pandemic ang pansamantalang pagtigil ng operasyon ng limang private school sa lalawigan ng Aklan. Ayon kay Dr. Miguel Mac Aposin Schools Division Superintendent ng DepED Aklan na kinalulungkot nila ang nangyari dahil kaagapay ang mga ito ng kagawaran sa pagtuturo. Dagdag pa nito na nagpaabot ang mga private schools na hindi muna sila makakapag operate ngayong school year. Umaasa aniya sila sa DepED na sa susunod na taon ay makakabalik na ang mga ito sa kanilang mga operasyon. Napag alalaman na aabot sa limang private school sa lalawigan ang hindi makakapagbukas ngayong school year dahil sa pandemya. Isang Computer and Technical school sa bayan ng Kalibo ang permanenteng nagsara habang isa naman sa bayan ng New Washington ang pansamantalang magsasara ngayong taon. Dagdag pa dito ang dalawa pang private school sa Boracay at isa naman sa Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay ang pansamantalang magsasara ngayong school year. Sa kabilang dako, inihayag naman ni Dr. Aposin na aabot sa kulang kulang 100 % sa kanilang target enrollment ang kanilang naitala na nagpa enroll sa mga public school ngayong pandemic. Hinikayat rin nito ang ilang mga estudyante na pwede pang magpaenroll ngayong pandemic dahil kasalukuyan pang tumatanggap ang mga public schools.
Limang private school sa Aklan tigil operasyon dahil sa pandemic, DEPED Aklan ikinalungkot ang nangyari
Facebook Comments