36 na PDLs sa Bilibid, nagpositibo sa COVID-19

41

Kinumpirma ng Bureau of Corrections na 36 sa 200 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa rapid at RT-PCR test sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ayon sa BuCor, kaagad dinala ang PDLs sa site Harry at sumailalim sa karagdagang RT-PCR/swab test kung saan sila mananatili hanggang sila ay gumaling sa virus.


Ang mahigit 100 PDLs na negatibo sa virus ay agad naman na ibinalik sa kanilang mga selda.

Ang BuCor Directorate for Health Services ay nagpapatuloy sa pamamahala ng COVID-19 testing sa inmates sa Bilibid.

Facebook Comments