Limang pulis na nangikil sa isang kolektor ng loteng sa Pasay City, kinasuhan na

Pasay – Kinasuhan na ng robbery extortion at grave misconduct ang limang pulis na nangikil ng P20,000 sa isang kolektor ng loteng na kanilang nahuli sa Pasay City.

Kinilala ang mga pulis na sina Police Officer 1 Sander Aripin, PO1 Kervilyn Duyawe, PO1 Randy Mangubat, PO2 Jimmy Abadines, at PO3 Simon Respicio ng SPD Special Operations Unit (DSOU).

Hindi naman napigilan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, ang galit sa nasabing mga pulis.


Ipinag-utos na ni National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde ang pagsibak sa 15 tauhan ng Southern Police District Special Operations Unit (SPD-DSOU) at imbestigasyon sa lahat ng opisyal nito.

Nakatakda namang ilipat sa holding unit ng NCRPO ang nasabing mga pulis habang nililitis ang kanilang kaso.

Facebook Comments