Listahan ng narco-politicians, planong ilabas bago ang campaign period para sa local candidates

Manila, Philippines – Ilalabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng narco-politicians bago ang pagsisimula ng campaign period ng mga lokal na kandidato sa March 30

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – makikipagpulong siya kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino at Dangerous Drugs Board (DDB) Chairperson Catalino Cuy ngayong linggo para plantsahin ang detalye ng paglalabas.

Pagtitiyak ni Año na hindi mapapasama sa listahan ang mga inosente.


Kapag natapos ang meeting, kakausapin ni Año si Pangulong Rodrigo Duterte para sa instructions ukol sa paglalabas nito.

Base sa huling datos ng PDEA, aabot sa 83-narco politicians ang nasa listahan na kinabibilangan ng mga mayor, vice mayor, governor, vice governors at maging congressmen.

Facebook Comments