*Kalibo, Aklan — Mas pinahaba pa ngayon ang curfew hours na ipinapatupad sa probinsya ng Aklan.*
*Ito ay matapos na isailalim ng IATF sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang probinsya ng Aklan at base na rin sa inilabas na Executive Order No. 019 s of 2021 ni Aklan Governor Florencio Miraflores.*
*Simula kahapon, Agosto 1 ay mula alas 8:00 na ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw ang curfew hours mula sa dating alas 9:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng madaling araw. *
*Dahil sa implementasyon nito ay bawal na ang mga tao sa labas maliban sa:*
· *Mga DOH officials at staff*
· *Mga health and services personnel station at LGU Health facilities*
· *Philippine Red Cross vehicles na may Red Cross Logo at regional offices*
· *Core Staff ng World Health Organization (WHO)*
· *Doktor, health workers at kanilang mga driver*
· *Hospital staff, empleyado at janitorial services*
· *Medical professionals at ibang empleyado*
· *Private caregiver*
*Mga nagtatrabaho sa Funeral Service Industry*
· *Empleyado*
· *Immediate family ng namatay*
*Emergency Responders*
· *Bureau of Fire Protection (BFP), kasama ang mga volunteer firefighters*
· *Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), mga disaster risk reduction personnel, job order, plantilla o volunteer personnel man*
· *Department of Social Welfare and Development Office (DSWD), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)*
· *Barangay Health Emergency Response Team (BHERTs)*
· *LGU officials*
*Security Services*
· *Law enforcement personnel (PNP, AFP, BJMP, NBI, OTS, BOC, BI at PPA)*
· *Kompanya ng mga security officers at security guards*
· *Force multipliers (Barangay Officials, Barangay Tanod)*
*Delivery Personnel (maximum of 3 kasama na ang driver)*
*Ang nasabing hakbang na ito ay para na malimitahan at makontrol ang galaw ng mga tao dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Aklan.*
*Base sa E.O. ni Miraflores ay tatagal ang pagpapatupad ng bagong oras sa curfew hanggang Agosto 31 pero pwede naman itong mapaikli o ma extend base sa rekomendasyon ng Provincial IATF at DOH.*
Live From The Field
Facebook Comments