Local airlines, nag-abiso sa mga pasaherong patungo ng Dubai na maaari nang mag–check in pitong oras bago ang flight

Nag-abiso ang Cebu Pacific at Philippine Airlines sa mga pasaherong patungo ng Dubai, UAE na maaari na silang mag–check in hanggang pitong oras bago ang kanilang departure.

Layon nito na bigyan ng mas mahabang oras ang mga pasahero para sa pre-departure procedures.

Pinapayuhan din ng mga lokal na airline ang mga pasahero ng international flights na agad magtungo sa immigration at final security check upang maiwasan ang anumang delay.

Muli ring pinaalalahanan ng mga air carriers ang publiko na agahan ang pagpunta sa NAIA dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Pinapayuhan ang mga pasahero na dumating sa paliparan tatlong oras bago ang domestic flights at apat na oras bago ang international flights.

Dapat ding ihanda ang kanilang eTravel Forms para sa international travel upang maging mabilis ang proseso pagdaan sa immigration.

Facebook Comments