‘Lolo ni Karen at Gina’ sa Mcdonalds Commercial, sumakabilang buhay na

Screenshot from Mcdonalds Commercial

Pumanaw na sa edad na 96 si Rudy Francisco, ang tinaguriang lolo ng bayan dahil sa kanyang natatanggi pagganap bilang lolo ng aktres na si Karen delos Reyes para sa commercial ng Mcdonalds.

Inanunsyo ito ng kanyang anak na si Raymond sa kanyang Facebook account na ang mensahe ay:

“I ❤️ u, dad.. In heaven.. Ur strong and pain free.. Ull always be in my heart. Fly high.. 🌹


Samantala, nag-abot na rin ng pakikiramay si Karen. Mapapanood sa kanyang Instagram account niya ang throwback video ng commercial nila ni Lolo Rudy.

 

View this post on Instagram

 

Sad day today 🙁 Rest in Peace Lolo Rudy Francisco. My deepest condolences to you and your family @rsfrancisco888

A post shared by karen de los reyes (@karen_delosreyes) on

Nag-iwan ng kurot sa puso ang advertisement na ito dahil kahit ulyanin si lolo at paulit-ulit na Gina ang tawag niya kay Karen, nagtira pa din siya ng burger para sa kanyang paboritong apo.

Sa nais dumalaw sa labi ni Lolo Rudy, siya ay nakaburol sa Immaculate Concepcion Cathedral, Cubao Quezon City mula ngayon hanggang Sabado.

 

 

 

 

Facebook Comments