LOOK: Ciudad ng Zamboanga para sa Araw ng Kagitingan

​ ​

Nakiisa ang lokal na Pamahalaan ng Zamboanga sa paggunita ng ika-76 na Araw ng Kagitingan (Day Valor) para magbigay pugay sa mga sundalo at sibilyang namayapa para sa nasyon at sa mga tao nito noong World War II at sa naganap na Zamboanga at Marawi siege. Sina Lt. Col. Mayor Beng Climaco (PA) (Res) kasama si LtGen. Carlito Galvez Jr. at ang Presidente ng Veterans Federation District na si Wenceslao Buntag ang namuno sa seremonya na ginawa sa Rizal Shrine and Freedon Memorial Shrine, Zamboanga City.

Isa sa mga highlights ng seremonya ay ang pagtaas ng half mast ng Philippine flag upang magbigay galang sa mga namatay habang nakikipaglaban sa tinaguriang Fall of Bataan noong Abril 9, 1942 at ang maraming sibilyan na itinaya ang buhay sa death march na nagsimula sa Bataan hanggang sa Tarlac.



(photos: Kathy Wee Sit)

| | |


Facebook Comments