Tuesday, April 28, 2026

LOOSE FIREARM, BOLUNTARYONG ISINUKO SA MANGATAREM POLICE STATION

Isang baril ang boluntaryong isinuko sa Mangatarem Municipal Police Station (MPS) bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa loose firearms sa bayan.

Nagsagawa ang mga tauhan ng MPS ng operasyon sa ilalim ng “Revitalized Katok” campaign bilang isang inisyatibong naglalayong hikayatin ang mga may-ari ng hindi rehistradong baril na kusang loob itong isuko sa mga awtoridad.

Sa nasabing operasyon, isang babaeng indibidwal ang nagkusang loob na magsuko ng isang Cal. 22 pistol na may expired na lisensya.

Agad namang kinuha ng pulisya ang naturang baril at kasalukuyang nasa kanilang kustodiya para sa tamang dokumentasyon at safekeeping, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

Patuloy naman na paiigtingin ng pulisya ang kanilang kampanya upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad at maiwasan ang paggamit ng mga hindi lisensyadong baril sa anumang krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments