52 ESTABLISYEMENTO SA PANGASINAN, SINUYOD NG DTI PANGASINAN; ISA, NAISYUHAN NG NOTICE OF VIOLATION

Isang business establishment ang inisyuhan ng Notice of Violation matapos hindi sumunod sa umiiral na Fair-Trade Laws sa isinagawang monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan sa Malasiqui, Bayambang, at San Carlos City noong Abril 22, 2026.

Ito ay matapos inspeksyunin ng ahensya ang 52 establisimyento kabilang ang retail stores, hardware, repair shops, specialty stores, motorcycle parts shops, vape shops at appliance centers sa mga naturang lugar.

Ayon sa ulat, sinuri ng DTI ang tamang paglalagay ng price tags, rehistrasyon ng business names at pagkakaroon ng PS Mark o ICC Sticker alinsunod sa Standards Law, Presidential Decree No. 1572, Business Name Law at Price Tag Law.

Iginiit din ng DTI Pangasinan na ang pag-isyu ng naturang violation ay para rin sa proteksyon ng mga mamimili sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments