LTFRB, nagbanta na ipapa-contempt ang Uber kung magpapatuloy ang operasyon

Manila, Philippines – Nagbanta ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ipapa-contempt nila ang Uber sakaling hindi sumanod sa kautusan ng ahensiya.

Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada na mayroon silang natanggap na Motion For Reconsideration para payagang mamasada ang Uber.

Nanindigan si Lizada na kahit may natanggap silang Motion for Reconsideration ay huhulihin pa rin nila ang mga driver ng Uber na namamasada sa lansangan.


Nilinaw naman ng Uber sa kanilang mananakay base sa kanilang ipinost na pahayag sa kanilang official page na wala silang babayaran na kompensasyon sa kanilang mga driver dahil tuloy pa rin ang kanilang operasyon at active na naman ang kanilang mobile application dahil sa kanilang Motion for Reconsideration sa LTFRB.

Kaugnay nito, nagkalat naman ang mga tauhan ng LTFRB, MMDA, HPG at LTO para huhulihin ang mga driver ng Uber na namamasada sa lansangan.

Facebook Comments