Kalibo, Aklan— Binigyan ng konsederasyon ng Land Transportation Office o LTO Aklan ang mga PUJs at Transport groups na makapagpasada ngayong GCQ kahit ang pinapayagan lamang ay 25% ng kabuuang bilang.
Ayon kay Engr. Marlon Velez na ayon sa panuntunan na kailangan munang kumuha ng special permit ang mga ito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB bago payagang bumyahe.
Dahil wala umanong Field offfice ang nasabing tanggapan sa lalawigan ay binigyan nila ng konsiderasyon ang mga operators na 100% na makapagpasada.
Dagdag pa nito na kung oobligahin ay mahihirapan lamang ang nga ito dahil kailangan pang personal na tunguhin ang LTFRB office sa Iloilo City para mag apply ng special permit.
Ang polisiya aniya ng LTFRB ay sa kada ruta, dapat 25 % lamang sa bilang ng mga sasakyan ang papayagang makapagbyahe.
Mahigpit din umano ang pagsisiyasat kung sumusunod ang mga ito sa minimum health standard na kasalukuyang ipinapatupad.
Sa kabilang dako, kinumpirma rin ni Engr Velez na nabigyan ng special permit ang tourist bus na Southwest Tours ng LTFRB para makabyahe.
Habang ang pamunuan ng Ceres bus ay wala pang naipasang permit rason na hindi pa ito bumibiyahe.
Limitado umano ang nasabing special permit dahil hanggang ipinapatupad lamang ang GCQ sa lalawigan ang validity nito.
LTO Aklan pinagbigyang maka operate ang mga PUJ transport groups kahit walang permit ngayong GCQ, Tourist transport bus nabigyan ng special permit
Facebook Comments