
Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa tinaguriang “BGC Boys” matapos na masangkot sa paggamit umano ng mga pekeng driver’s license.
Pinapaharap ng LTO ang “BGC Boys” sa itinakdang pagdinig sa Septembre 12 upang pagpaliwanagin.
Nauna nang ibinunyag ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang privilege speech ang grupo, kabilang ang umano’y ₱950 milyong pagkatalo nila sa sugal sa gitna ng isyu ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Inihahanda na rin ng ahensya ang pagsasampa ng mga kasong tulad ng falsification at paggamit ng pekeng dokumento.
Kabilang sa Bulacan Group of Contractors (BGC Boys) ay sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan District Engineer Henry Alcantara, OIC District Engineer Brice Ericson Hernandez, Assistant District Engineer Jaypee Mendoza, Arjay Domasig na nagpakilalang contractor ng Syms Trading Corporation, at contractor Edrick San Diego.
Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, magsasagawa rin ng mas malalim na imbestigasyon ang LTO upang matukoy ang pinagmumulan ng mga pekeng lisensya.









