LTO, pinagpapaliwanag ang “BGC boys” dahil sa paggamit ng pekeng lisensya para makapag-casino

Pinagsusumite ng paliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang tinaguriang Bulacan Group of Contractors o BGC Boys mula sa Bulacan 1st District Engineering Office na pinamumunuan nina Brice Hernandez at Henry Alcantara.

Ito’y matapos mabisto ang umano’y paggamit nila ng pekeng driver’s license card para makapasok sa isang casino.

Sa isang panayam kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza sa Camp Crame matapos ang isang event sa PNP ACG kanyang sinabi na naglabas na ng show cause order ang ahensya laban sa grupo at itinakda ang pagdinig sa Setyembre 12.

Babala pa ni Mendoza, posible silang masampahan ng kasong falsification at paggamit ng pekeng dokumento.

Maaari rin aniyang tuluyang bawiin ang kanilang lisensya kung mapatutunayang peke ang mga ito.

Facebook Comments