Cauayan City, Isabela – Mayroon nang mga kaso ng HIV-Aids ang Lungsod ng Cauayan base na rin sa inilabas na datos ng City Health Office.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ms. Charlene Joy B. Quintos, SK Federation President ng Cauayan City subalit hindi naman anya ganon karami ang mga naitalang kaso ng HIV sa Lungsod.
Kaugnay nito, nagsagawa ng HIV Awareness Campaign ang mga SK Chairman sa Lungsod katuwang ang Junior Chamber International Cauayan, ang City Health Office at mga kandidata ng mutya ng Cauayan upang mabigyan ng kamalayan ang mga kabataan hinggil sa naturang sakit.
Target rin nilang pulungin ang mga College student bilang bahagi sa kanilang isasagawang pilot campus toru na isasagawa sa Our Lady of Pilar College Cauayan (OLPCC).
Nanawagan naman si Ms. Quintos sa lahat ng mga kabataan na makiisa sa kanilang kampanya upang maimulat at makaiwas sa sakit na HIV-AIDS.