Lungsod ng San Juan zero dengue-casualty

Sa kabila nang pagdedeklara ng Department of Health na ang dengue ay isang national epidemic walang naitatalang casualty dahil sa dengue sa Lungsod ng San Juan.

 

Pero may mga nagkakasakit ng dengue sa San Juan ngunit pinakamababang bilang ng kaso ng dengue sa buong bansa ang San Juan City.

 

Kaya naman para mapanatili ito may ibat ibang mga proyekto ang San Juan City Gov’t sa mga paaralan at sa lahat ng kanilang mga barangay.


 

Una na dito ay pamimigay ng mga OLYSET NET sa mga paaralan, isa itong insecticide treatment screen na may kakayahang magtaboy at patayin ang mga lamok.

 

Ginagawa rin sa lungsod ang 4 o’clock habit kung saan sabayang maglilinis sa mga barangay ng mga lalagyan at lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok sa mga kabahayan at kapaligiran.

 

Inimbitahan rin  ng San Juan ang mismong DOH Secretary, Dr. Francisco T. Duque III para turuan sila sa mga program sa pagsugpo sa dengue.

Facebook Comments