Isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Unang isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid mula alas-11 ng umaga hanggang ala-5 hapon ng Martes.
Sinundan naman ito ng isa pang yellow alert mula alas-7 hanggang alas-9 Martes ng gabi.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, nangyari ito dahil sa hindi inaasahang pag-shutdown, limitadong generation ng ilang power plant at mataas na demand sa kuryente.
Dahil dito, pinapayuhan ng NGCP ang mga residente sa Luzon na magtipid sa pagkunsumo ng kuryente.
Facebook Comments