Mabilis na pagtaas ng kaso ng human trafficking ngayong taon, ikinaalarma na ng DOJ

Aminado si Justice Secretary Crispin Remulla na nakakaalarma na ang mga kaso ng human trafficking sa bansa.

Sinabi ni Remulla na aabot sa halos 2,000 Pilipino na biktima ng human trafficking ang nasagip sa unang dalawang buwan pa lamang ng 2023.

Karamihan aniya sa mga biktima ng human trafficking ay dinadala sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya gaya ng Thailand, Myanmar, at Brunei.


Mayorya aniya sa mga biktima ay mga kababaihan.

Dahil dito, tinututukan aniya ngayon ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa human trafficking sa Timog-Silangang Asya.

Hinimok ng kalihim ang mga Pinoy na balak magtrabaho sa ibang bansa na mag-ingat at tiyaking lehitimo ang trabahong inaalok sa kanila sa abroad.

Facebook Comments