Mag-ina, Pinagsasaksak ng Live-in Partner!

*Cauayan City, Isabela-* Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang mag-ina matapos silang pagsasaksakin ng live-in partner kahapon ng umaga sa Sipat St. Purok 7, Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang mag-inang biktima na sina Gloria De Guzman, 52 anyos, isang biyuda at Angelito De Guzman, 24 anyos, binata, isang pintor habang ang suspek naman ay si Edward Carag, 51 anyos, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Cauayan, lumabas sa kanilang imbestigasyon na habang kumakain ang mga biktima ay biglang umanong nagtanong ang suspek kung bakit wala sa ayos ang kanilang mga gamit.


Nairita umano ang suspek sa hanggang sa kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak sa katawan ang mag-ina.

Agad namang rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong Frustrated Homicide.

Facebook Comments