Ramon, Isabela- Muling Dinagsa ng mga turista ang Magat Dam sa bayan ng Ramon ngayong Sabado de Gloria, Marso 30, 2018.
Sa panayam ng RMN Cauayan News kay ginoong Ferdinand Reyes na mula pa sa lungsod ng Santiago, taon-taon na siyang bumibisita sa lugar kasama ang kanyang buong pamilya lalo na kapag Semana Santa.
Aniya, maganda umanong idaos ang mahal na araw sa Magat Dam dahil sa taglay nitong kagandahan at kampante rin umano siyang bumisita sa naturang lugar dahil naroon ang mga pulis at opisyal na nakahandang rumesponde kung sakaling magkaroon ng aberya o insidente.
Ayon naman kay ginang Sharon Balunsat, isang OFW at residente ng Ramon, Isabela, aniya kakaiba ang ganda ng Magat Dam kaya’t gustong gusto niyang bumisita kasama ang kanyang pamilya lalo na rin kung Mahal na Araw.
Sa panayam naman ng RMN Cauayan News kay Jose Monteberhen, isang opisyal na namamahala sa Magat Dam, noong Huwebes Santo pa umano nagsimulang nagdagsaan ang mga mga turista Kaya’t mas lalo nilang pinaigting ang seguridad ng bawat isa katuwang ang PNP Ramon, Medical team ng LGU Ramon at Ramon Rescue.
Aniya, wala pa umanong naitalang insidente sa kanilang nasasakupan mula noong nagsimula ang mahal na araw.
Inaasahan din na patuloy ang pagdagsa ng maraming turista sa naturang lugar kaya’t kanyang pinayuhan ang bawat pamilya at turistang nais mamasyal sa kanilang lugar na bantayan ang kanilang mga batang anak, ang kanilang mahahalagang gamit at huwag ding uminon ng alak upang maiwasan ang anumang insidente.