MAGKAPATID NA SUSPEK SA PAG-AMBUSH SA DATING GOBERNADOR NG PANGASINAN, ARESTADO

548

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Arestado sa Isinagawang Operasyon Ng Pulisya Ang Magkapatid Na Kabilang Sa suspek sa nangyaring pag-ambush sa dating gobernador ng Pangasinan na si Amado Espino Jr.

Kinilala ang mga ito na si Cesar Agbayani, 67 taong gulang at ang kaniyang kapatid na si Ernesto Agbayani 61 taong gulang na residente ng Dagupan City.

Nahuli ang mga ito sa isang gas station sa North Luzon Expressaway Exit Old, Iba Road Meycauayan Bulacan sa bisa ng warrant of arrest.

Ayon kay PANGGPPO Director Police Colonel Richmond Tadina, sampu mula sa 16 na nakasuhan sa tangkang pagpatay sa dating gobernador ang nahuli na ng pulisya. Dalawa naman ang nasawi dahil sa pagpapakamatay at dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, mayroon pang apat na suspek ang patuloy na pinaghahanap ng pulisya.
Ang Agbayani brothers ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Carlos City police station at nakatakdang ilipat sa BJMP.

Matatandaan noong ika-11 ng Setyembre taong 2019 nang paulanan ng bala ang sasakyan at convoy ng dating gobernador sa lungsod ng San Carlos sa Brgy. Magtaking. | ifmnews



Facebook Comments