MAGSASAKA, SINAKSAK SA GITNA NG KOMPRONTASYON SA BASISTA; SUSPEK, ARESTADO

Nauwi sa pananaksak ang mainitang komprontasyon sa pagitan ng dalawang residente sa Basista pasado 12:30 AM, December 9, 2025.

Kinilala ang biktima bilang isang 63 anyos na magsasaka habang ang suspek naman ay isang 41 anyos na binata. Naaresto ang suspek matapos ang insidente.

Batay sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at ang kanyang live-in partner sa kanilang tahanan nang magsimulang sumigaw ang suspek mula sa sariling bahay nito. Paulit-ulit umano itong nagbibitiw ng masasamang salita laban sa biktima at sa kinakasama nito. Dahil dito, nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek upang komprontahin ito, na humantong sa mainitang pagtatalo.

Habang tumitindi ang alitan, kumuha umano ng butcher knife ang suspek at sinaksak ang biktima sa kanang tagiliran. Agad na isinugod ang biktima sa ospital kung saan siya kasalukuyang ginagamot.

Dinala rin ang suspek sa Bayambang District Hospital para sa kaukulang medical procedure bago tuluyang isinailalim sa kustodiya ng Basista MPS para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments