Nakiisa pagdiriwang ng National Womens Month Celebration ang PNP Bangsamoro Autonomous Region.
Nanguna sa okasyon na isinagawa sa PNP BAR Headquarters sa Camp Salipada K. Pendatun sa Parang Maguindanao si Regional Director Marni Marcos Jr. kasama ang lahat ng mga opisyales mula sa ibat ibang probinsya ng rehiyon maging ang mga enlisted personnel .
Binigyan rin ng pagkilala ang ilang mga Lady PNP Personnel na nagpakita ng natatanging kahusayan at kagitingan sa pagpapatupad ng kani-kanilang mga tungkulin.
Kabilang sa mga binigyan ng parangal sina Pat. Cristina Acosta, Pat. Jocely Millan. Pat. Sharon Puno , PEMS Marcilita Rodrigo, PEMS Nur Aina Abdulkarim at PEMS Noria Karim
Pangunahing bisita sa selebrasyon si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.
Binigyan naman ni GMSM ng pagsaludo at papugay ang mga kakababaihang kapulisan na nakadestino sa ibat ibang bahagi ng rehiyon.
Inilahad rin nito ang napakahalagang responsibilidad ng mga kababaihan hindi lamang sa kani-kanilang pamilya maging sa ating mga komunidad.
Iginiit pa ni Governor Bai Mariam na “Isa sa malaking dahilan ng tagumpay ng isang lalaki ay ang isang babae at maari rin itong dahilan ng kanyang pagbasak.”
Binigyan rin ng pagkilala ni Governor Bai Mariam ang mga Lady Officials na nagsisilbi ngayon bilang ina ng kani-kanilang mga munisipyo sa BARMM maging mga naninilbihan sa kalapit mga lalawigan.
S Governor Bai Mariam ang kauna-unahang Lady Governor hindi lamang sa Maguindanao kundi sa buong BARMM.
Samantala, maglalaan naman ng P1.5 Million ang Provincial Government sa PRO BAR para sa itatatag na tanggapan o association na naglalayung magbibigay proteksyon sa mga Lady PNP Personnel na maaring masangkot sa kaso kasabay ng pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin.
Maguindano Governor pangunahing bisita sa Womens Month Celebration ng PNP BARMM
Facebook Comments