Maharlika Investment Fund Bill, huwag ipilit – Senate Minority

Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na makabubuting huwag na lamang ipilit ang isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.

Ang reaksyon ng senador ay kasunod ng panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos sa Senado na suriing mabuti at huwag madaliin ang panukala para sa pagkakaroon ng bansa ng sovereign wealth fund.

Ayon kay Pimentel, tama naman ang pahayag ng Pangulo pero kung wala naman talagang katwiran, dahilan at puhunan para sa isang sovereign wealth fund ay huwag na lamang itong ipilit pa ng pamahalaan.


Binigyang-diin ni Pimentel na huwag nang pagaksayahan ng panahon kung utang, waldas at aksaya lang ang magiging bunga ng Maharlika Fund.

Mas makabubuti aniya kung magko-concentrate na lamang ang gobyerno sa food production, pagpapababa sa inflation at presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino tulad ng pagkain, pabahay at enerhiya.

Facebook Comments