Mahigit 1 milyon na mga kabataan na may edad 5-11 taon target na mabakunahan laban sa COVID-19 sa Rehiyon 6

Kalibo, Aklan — Target ng Department of Health Region 6 na maka bakuna ng 1,080,597 na mga minors na may edad 5-11 anyos.
Ayon kay Dr. Renelyn Reyes, head ng Public Health Development Cluster ng DOH-6 magsisimula ang vaccination sa Pebrero 14, 2022.
Negros Occidental ang may pinakamaraming target na may 363,249, sunod ang Probinsya ng Iloilo na may 267,470 na target at Probinsya ng Capiz na may 102,122 na target.
Habang ang Antique ay may 95,437; Aklan 84,356; Bacolod City 81,737; Iloilo City 61,872 at Guimaras na may 24, 354.
Importante ayon kay Reyes na mabakunahan ang mga kabataan dahil mataas ang numero ng COVID-19 cases sa mga bata.
Sa data ng DOH may 21, 713 na mga kabataan na may edad 17 anyos pababa ang nahahawaan ng COVID-129 o 12% ng 176,638 na kabuuang kaso ng rehiyon noong Enero.
Pasiguro ni Reyes na safe at epektibo ang gamot dahil makailang beses ito dumaan sa test at reformulated ito ayon sa kailangan ng mga kabataan.
Pfizer lang ang nabigyan ng pahintulot ng Philippine FDA na pwedeng gamitin sa mga bata.
Facebook Comments