Top 5 wanted person arestado ng Malinao PNP

Malinao, Aklan – Arestado ng Malinao PNP sa isinagawang operation ang isang Top 5 wanted person kahapon sa Brgy. Tambuan, Malinao, Aklan.
Ang akusado ay 37-anyos na hindi na pinangalanan ng mga otoridad para protektahan ang biktima ay residente ng Brgy. Kinalangay Viejo.
Inaresto ang suspek sa pamamagitan ng Warrant of Arrest sa kasong RAPE in relation to R.A. 7610 (minor ang biktima) na may Criminal Case No. 2865 na inisyu ni Hon. Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge RTC 6, Branch 3, Kalibo, Aklan.
Walang piyansa na inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nakatakda namang i-turn over sa korte ang nasabing suspek.
Facebook Comments