Kasabay ito ng pagmartsa ng mga mangingisda sa pagdaraos ng Earth Day noong Biyernes, Abril 22,2022.
Sabay-sabay na nagprotesta ang grupo ng mga mangingisda at nakiisa rin ang iba pang grupo mula sa mga kalapit na bayan ng Gattaran, Ballesteros, Buguey, Gonzaga, at Sta. Ana.
Isang prayer service at programa ang idinaos sa San Pedro Telmo Parish Church kung saan ibinahagi ng mga mangingisda ang epekto ng umano’y pagmimina (black sand mining) sa kanilang kabuhayan at kapaligiran.
Problema rin ng mga ito ang umano’y pagsira sa mga isda at hipon kabilang ang sa alamang o spider shrimp, na endemic sa lugar.
Banta rin umano ang dredging sa mga pagguho ng isang lugar lalo na kapag nakakaranas ng malakas na pag-ulan at bagyo.
Kaugnay nito, binigyang diin ni Mayor Bryan Dale Chan na walang kaukulang permit ang Riverfront Construction Inc. na magdredging sa ilog ngunit isang general engineering permit lamang.
Tiniyak naman ng alkalde ang kanyang buong suporta para sa mga mangingisda para sa tuluyang pagpapahinto ng black sand mining.