Mahigit 1,000 PDLs sa Manila City Jail, tinamaan ng TB

Umaabot sa mahigit 1,000 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa male dormitory ng Manila City Jail ang nahawaan ng pulmonary tuberculosis.

Ito ang kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung saan ayon kay BJMP National Capital Region (NCR) Spokesperson Midzfar Omar, ang mga nahawaan ay kasalukuyan nang naka-isolate sa kani-kanilang pasilidad.

Nasa higit pang 200 na PDLs ang naghihintay ng kanilang confirmatory tests at napag-alaman na nasa 5,000 PDLs ang kabuuang bilang sa Manila City Jail’s male dormitory.


Nauna nang inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Spokesperson Gabriel Chaclag na ang naiulat na kaso ng pulmonary tuberculosis ay kasalukuyan na nilang mino-monitor.

Iginiit ni Chaclag na walang outbreak ng nasabing sakit kung saan tinututukan na nila ang kondisyon ng lahat ng pasyente na tinamaan ng TB at umaasa sila na gagaling ang mga ito.

Facebook Comments