Paggunita sa Semana Santa, naging mapayapa ayon sa PNP

56

Payapa sa pangkalatahan ang paggunita sa Semana Santa ngayong taon.

Batay ito sa assessment na ginawa ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, walang naging “major untoward incident” ang PNP.


Pero may ilang insidente ng pagkalunod at aksidente sa kalsada.

Paliwanag nya, nagkakaisa ang ulat sa kanya ng mga Police Regional Office (PRO) sa bansa na tahimik ang Semanta Santa 2022.

Nagpasalamat naman si PNP Chief sa lahat ng mga pulis na nag duty nitong Semana Santa dahil sa mahigpit na pagbabantay.



Facebook Comments