Mahigit 15 immigration officers at security guard sa BI facility sa Camp Taguig, sinibak sa pwesto

Courtesy: Fiat Lux | Facebook

Sinibak sa pwesto ang mahigit 15 immigration officers at security guards na nakatalaga sa Bureau of Immigration (BI) Detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon sa isang BI official na tumangging magpabanggit ng pangalan, ang pagkakasibak sa naturang BI officers ay kasunod ng nangyaring raid ng BI at National Capital Region Police Office (NCRPO) sa nasabing pasilidad kung saan nakuha ang iba’t ibang uri ng kontrabando.

Kabilang dito ang gadgets at kalahating million pesos cash na pag-aari ng mga dayuhang nakakulong sa pasilidad.


Epektibo aniya ngayong araw ay hindi na pinagdu-duty sa BI facility sa Camp Bagong Diwa ang mga sinibak na Immigration officers.

Facebook Comments