Kalibo, Aklan— Mahigit 180 na household ang kasalukuyan paring nasa ilalim ng Surgical Enhance Community Quarantine sa Purok 6 Laserna St. Poblacion Kalibo. Ayon kay Brgy. Poblacion punong barangay Niel Candelario na kasalukuyan pang hinihintay ang resulta ng swab test sa mga naging close contact ng COVID 19 positive sa lugar bago gumawa ng hakbang ang LGU kung tatanggalin ang lockdown o pahahabain. Nauna aniyang tinanggal ang lockdown epektibo ngayong araw sa mga purok ng 1,2,3,4 at 5, bahagi ng Mabini St. at Sto. Niño Village base sa ipinalabas na Executive order number 69 ni Mayor Emerson Lachica kagabi. Kaugnay nito isinagawa kaninang umaga ng LGU Kalibo at Brgy. Council ng Poblacion ang pagbibigay ng relief packs sa mga apektadong pamilya sa P 6 C. Laserna. Malaking pasasalamat umano nila dahil natanggal na ang lockdown sa ibang bahagi ng nasabing lugar dahil makakabalik na sa kanikanilang trabaho at kabuhayan ang mga residente. Nagpaalala rin ito sa publiko na ugaliing sundin ang mga health protocol, kagaya ng pagsusuot ng facemask at faceshield base narin sa kanilang ordinansa sa buong Poblacion. Umaasa ang kapitan na magiging negatibo ang resulta ng mga pending swab test nang sa gayun ay matanggal na ang nagpapatuloy na lockdown. Napag alaman na base sa nasabing EO ng alkalde, magtatagal ang surgical lockdown hanggang sa Oktobre 4, 2020.
Mahigit 180 pa na household naka lockdown parin sa P6 C. Laserna st. Kalibo
Facebook Comments