Mahigit 200 motorista huli sa pinalakas na kampanya ng TMU,HPG,LTO at LTFRB

Ipinag-utos ni cot.city mayor Atty.Cynthia Guiani ang pinalakas na kampanya sa mga kolorum na mga sasakyan na bumibiyahe sa lungsod na tinawag na Balik Disiplina sa Kalsada campaign kung saan sa launching kahapon ay mahigit sa dalawang daang motorista ang nahuli at naticketan dahil sa samot-saring paglabag karamihan ay expired ang registration at driver license.
Nagsanib pwersa ang CCPO,TMU,Highway Patrol Group ARMM at LTOsa massive operation kahapon sa apat na sulok ng lungsod kung saan walang kawala ang mga motistang umiiwas sa kanila dahil maging sa downtown ay may team na nakakalat, tulad sa college area, sousa area at sa town..Maging sa hiway sa sinsuat avenue sa tapat ng city hall meron din at sa entrance ng tamontaka detachment ay meron din.
Sa panayam kay HPG ARMM Director P/Supt.Alejandro Espiritu na magpapatuloy ang kanilang operasyon sa mga susunod na araw sa mas pinalakas na kampanya nila kasama ang HPG at LTO…Kayat paalala nito sa mga motorist na dapat kompletohin ang papers ng kanilang motorsiklo o sasakyan upang hindi nila mahuli.

Facebook Comments