Mahigit 250 African migrants – pinaniniwalaa ng patay sa paglubog ng isang bangka sa Libya

Manila, Philippines – Pinaniniwalaang aabot sa 200 African migrants ang nalunod matapos ang paglubog ng sinakyan nilang bangka sa Libya.
 
Ayon sa UN refugee agency – nakarekober na ang mga otoridad ng limang bangkay na papalutang-lutang malapit sa lumubog na bangka.
 
Nabatid na mahigit 240 ang lulan ng bangka na mayroon lamang kakayahan na magsakay ng 100 pasahero.
 
Sinasabing patungo sa Italy ang mga migrants na lumisan sa kanilang bansa dahil sa patuloy na kaguluhan doon.


Facebook Comments