Mahigit 28-K registered SIM, nakumpiska sa mga sinalakay na POGO

Hihingi ng tulong si Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla sa mga telcos para malaman kung saan nagamit ang may 28,000 na registered SIM cards na nakumpiska ng mga awtoridad sa sinalakay nilang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) facility sa lungsod ng Pasay.

Ayon sa kalihim na kanilang pinag-aaralan din na idagdag sa kaso sa mga naarestong suspek ang paglabag sa Republic Act 11934 o SIM Registration Act.

Naniniwala ito na ang nasabing mga SIM cards ay ginagamit ng mga suspek sa pag-scam sa kanilang mga biktima.


Sakaling magtagumpay ang kanilang pagsampa na kaso ay ito na ang unang pagkakataon na mayroon silang nasampahan ng paglabag sa SIM registration.

Magugunitang sinalakay ng mga awtoridad ang POGO hub sa Pasay City at naaresto ang 650 na POGO workers.

Facebook Comments